Sunday, June 21, 2009

Sa mga Lansangan na Dati Kong Kilala

nitong mga nagdaang mga arawginagambala ako ng takot at pangambana sa kinabukasa'y maglalakad akong kumakain ng buhoksa mga lansangan na dati kong kilalana aking ginalugad para pagsilbihan ang pag-aasam ng iilanna ang tagumpay ay isang iglap na makakamitsapagkat maraming taon kang nagsunog ng makapal na kilayat humalik sa mga libronakipagbuno nakipagtagisan sa mundong hindi kailanmannahakbangan ni nasulyapanng mga nalugmok sa kuko ng tadhananghindi nila pinili gusto nilang takasanngunit habang buhay nang nakapasanang sugat nito sa kanilang bagsak nang balikat
hindi ko maaatim na pagsilbihansilang kumakain ng dyamantenaliligo sa salapihinding hindi kailanman
silang kinalimutan ng kasaysayan at pag-unladang pag-aalayan ng pawis at orasbahala na kung kumain man ng buhokbukas o makalawasa mga lansangan na dati kong kilala