Monday, April 13, 2009

At Siya’y Napagkaitan

ng mumunting tulong…
“Ne’ baka naman e maitawid mo ‘ko? Patulong lang.
Hirap lang kase akong lumakad…”
ngunit
sa pausin niyang boses
na garalgalin at may bahid hiya
siya…
siya’y hindi lamang napagdamutan
at ilan pang nilalang ang
sa kanya’y umiwas
Maliit.
Mabaho.
Maitim.
Matanda.
Ginagalis.
walang nagtangka…
sa aba niyang kalagayan anong naghihintay?
Ilan pa kayang tulad niya
ang napagkaitan?

No comments:

Post a Comment