kung may pagkakataon
hinahayaan ang paa na tumahak sa mga baha
o di kayay sa mainit na singaw ng semento
pilit na pinipilit ang mga paa na makipaglaro
sa mga usok at nagmamapang putik
minsay Miyerkules o kayay Sabado
kung lumarga ang nangangating talampakan
hindi na nga napansing bumalik ang makating alipunga
pero sige lang
mayroon kasing binabalak
arawaraw pinuputakti ng mga letra
binaliw pa nga ng malambing nilang taludturan
marami sila at hinihintay lamang duon sa sulok
sumisigaw sila ngunit walang tunog
ikaw lamang ang nakakarinig
at ang talampakan mong untiunti nang nanganganak
ng kalyo
pinaikot mo si Inay o si Itay o si Amor
mapagbigyan lamang ang hilig
marami na sila sa sarili mong sulok
kinakain ng alikabok at daga at anay
pero sige lang walang makapipigil sa iyo
dahil may tinatahak ka
abutin mo silang nakatingala
gamit ang talampakan mong nagkakalyo
nang malambing mo rin ang letrat salita
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment