Friday, April 17, 2009

Pluma

palasong tumarak saking utak
binigyang saysay
mga kamay
na nagbibitak

sa kalyo

taglay mo ang naninigid
na init ng disyerto
hampas ng hanging habagat
halimuyak
ng mamasa masang ulop ng Sierra Madre

ikaw ngayoy aking tangan
sa bawat paghakbang sa mapuputik na landas
isinisigaw nang iyong laway
ang apoy sa Bukang Liwayway

ipinipinta natin ang kinabukasan
karamay ang sumamot panaghoy
ng mga nalalagi sa ibaba at sulok
habang gamit ang iyong talim
sasaksakin natin
ang mga nabubulok na kaluluwa sa tuktok
ng mga toreng garing

tayoy magluluwal
ng mga Dakilang Obra

kukumpas tayo sa mga dahon at talahib
sa mga pilapil
sa sakot gutay na papel
sa wasak na kubo
sa mabubulas na puno
sa dibdib na nagsabato

iisa tayo Pluma
at ang buhay natiy nagmumula
sa mga dugong idinidilig
sa semento sa lupa

No comments:

Post a Comment