Sa kasalukyan ay wala pa rin akong magawa, gayong tinatype ko itong binabasa mo, hindi ko maisip na isang uri ng gawain ito.
Mahirap talagang ilahad ang gustong ilabas ng loob. Maraming bagay bagay na gumugulo, na nagreresulta sa pagkawala ng magagawa.
Kung mangangarap man, kailangan pagsikapan ng walang katapusan. Kapag nakamit ang asam, babagsak sa pauit ulit na sirkulo. Kailangang kumawala sa mundo, bago mo maunawaan na ang daigdig ay hindi ang mundo. Hayaang maglayag ang mga buto sa kamay. Sa gayong paraan, mauunawaan ng ikaw ang tanong mo.
Kung papalarin, makakatapak sa entablado ng walang laman ang utak. O di kaya'y maglakbay sa bundok ng may sandamakmak na dalahin sa utak. E ang puso? Pero iyon na nga ba ang dapat?
A, ewan. Sa ngayo'y maglalakbay muna sa kawalan, nang matagpuan ko ang kasalukuyan.
I feel the pain on everyone, then I feel nothing. -- Dinosaur Jr.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment